Wednesday, June 22, 2011

Thursday, December 11, 2008

Movie Review - Pinoy Blonde

Ang pelikulang "Pinoy Blonde" ay may parteng nagustuhan ko at hindi ko nagustuhan. Nagustuhan ko ang musical story, ang mga ginamit na kanta ay makabago at angkop sa naturang eksena. Napapasigla ng mga ginamit na kanta ang mga medyo boring na eksena. Nagustuhan ko din ang cinematography, ginawa nilang spoof na pelikula. Kadalasan ay nakakatuwa ang mga spoof na pelikula lalo n kung magagaling ang artista at maganda ang script. Ang hindi ko nagustuhan ay para sa akin ay pointless ang storya nung pelikula. Hindi para sa mga bata ang pelikulang ito dahil sa ibang malaswang eksena at mga pagmumura ng mga tauhan. Sa kabuuan, pinapakita ng pelikula ang mga nangyayari sa totoong buhay pero pointless lang talaga ang movie.

Movie Review - Mr. & Mrs. Smith

Ang pelikulang "Mr. & Mrs. Smith" na pinangungunahan nina Brad Pitt bilang John Smith at Angelina Jolie bilang Jane Smith sa direksyon ni Doug Liman ay isang pelikulang Hollywood na tungkol sa dalawang taong nagpakasal na akala nila ay perpekto sila sa isa't-isa subalit habang lumipas ang panahon ay napagisp-isip nilang marami silang bagay na pinagtatalunan. Higit pa dito ay silang dalawa ay hindi ay may isang napakalaking sinisikreto sa bawat isa. Ang itinatago ng dalawa ay hindi nila sinasabi sa isa't-isa na sila ay isang agent ng isang organisasyon na sumusuporta sa gobyerno ng kanilang bansa. Si Brad Pitt ay tamang-tama sa kanyang ginampanang karakter. Hindi masyadong drama at hindi rin naman masyadong komedy ang pelikula, ito ay punong-puno ng aksyon at bakbakan kaya naman tamang-tama dito si Brad Pitt. Kilala si Brad Pitt sa pagiging isang maangas na tao sa mga pelikula ngunit mabuti naman siyang tao sa totoong buhay. Samantala, ang pinapelan namang karakter ni Angelina Jolie ay nagampanan niya ng maayos lalo na at kilala natin siyang si Tomb Raider na punong-puno rin ng aksyon at bakbakan.

Pumatok sa mga sinehan ang pelikulang ito pero hindi ko pa rin masasabing dapat siyang isama sa all-time box office hits. Maganda ang pelikula sapagkat mapapanuod mo ang dalawa sa mga pinakasikat na aktor at aktres at pinagpapantasyahan ng mga tao sa iba't-ibang panig ng daigdig at nakakatuwa naman panuorin itong pelikulang ito. Subalit nga lamang, ay medyo sumablay ito sa pagkakagawa ng script at ang plot ng istorya ay medyo boring. Ayos naman ang istorya ngunit kung mabibigyan pa ng mas matinding pansin ito ay kayang-kaya pang pagandahin ang istorya ng nasabing pelikula. Dahil sa mga teknolohiyang naiimbento sa panahon ngayon ay napaganda naman nito ang editing. Naging maganda ang mga eksenang hindi kayang gawin sa totoong buhay kaya ginagamit na lamang ang teknolohiyang mga angkop sa isang eksenang gagawin. Naging makatotohanan ang mga "computer graphics" na eksena kaya naman hinahangaan ko ang mga tauhan nila sa editing. Ang mga kantang ginamit ay mga sikat na kanta noong unang panahon at sa kasalukuyan kaya naman hindi mapapatunganga na lang ang mga tao at manuod sa isang eksena at pakinggan ang hindi nila alam na kantang pinapatugtog.

Inirerekumenda ko ang pelikulang ito sa mga taong may edad na 13 pataas. Sapagkat may mga eksenang hindi pa dapat mapanuod ng mga murang edad at hindi pa nila kayang intindihin ang mga ibang pangyayari. At dahil madami ring mga labanang eksena lalao na at gumagamit pa sila ng mga iba't-ibang klase ng magagandang mga baril ay maaaring maengganyo ang mga murang pagi-isip ng mga bata at gayahin nila ang nakikita sa palabas.